German national, nasalisihan

NASALISIHAN ang isang German national habang kumakain sa isang kilalang restaurant kagabi sa Ermita, Maynila.

Nagtungo ngayon sa Manila Police District-General Assigment Section (MPD-GAS) ang biktimang si Michael Malankowski, 45, German national at pansamantalang nanunuluyan sa Ermita Tourist Inn sa Ermita, Maynila.

Sa reklamo ng biktima, naganap ang insidente sa loob ng Max’s Restaurant sa 4th floor ng Robinsons Place Manila na matatagpuan sa Ermita, Maynila.

Habang kumakain ito ay inilapag nito ang kanyang belt bag na naglalaman ng mahigit sa P18,000 na halaga ng pera, mga importanteng kagamitan at mga dokumento sa katabing upuan.

Huli na nang madiskubre nitong nawawala na ang kanyang belt bag na hinihinalang nakuha ng mga ‘salisi gang’.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply