GF nabuking na may ka-live-in, kelot nag-suicide

LA UNION – Winakasan ng isang 29-anyos na binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili nang matuklasan na may kinakasama ang kanyang girlfriend sa Barangay San Antonio, Agoo, La Union, kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Ceferino Dacanay Jr., residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Agoo Philippine National Police (PNP) kasalukuyang naka-online sa Facebook ang biktima noong madiskubreng may ibang karelasyon pala ang kanyang girlfriend.

Ikinagulat ng mga kaanak ng biktima nang biglang umalingawngaw ang isang putok at nang pumasok sila ay nakahandusay na si Dacanay.

Ayon sa lokal na police isang .38 revolver and umano’y ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Nagsasagawa ng follow-up investigation sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply