Gibain ang libelo sa Anti-Cybercrime Law

NAGTUTURUAN ngayon ang mga author ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o anti-cybercrime law kung sino talaga ang nagsingit ng libelo bilang isa sa mga krimen na sakop ng nasabing bagong batas.

Ayon sa mga taga-Kamara, ang mga senador umano ang nagsingit nito at wala ito sa kanilang orihinal na panukalang batas.

Naghuhugas-kamay ang mga ito sa pagsasabing maaaring sakupin ng bagong batas ang mga karampatang krimen na matatagpuan na sa Revised Penal Code.

Pero ito ang masasabi natin, mga Bro: Nang ipasa ang batas ng Kamara at Senado at dalhin ito sa Palasyo para pirmahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III , walang umangal maging ang mga taga-Kamara.

Masasabi natin na tapos na ang turuan dito.

KILALANIN SILA AT ‘WAG IBOTO

Ang mabuting gawin ng mga mamamahayag, kasama na ang mga blogger at nagpapahayag ng kanilang mga damdamin at paninindigan sa mga isyung pambayan, kilalanin ang lahat ng mga nagsulong ng libelo na maging bahagi ng anti-cybercrime law at ikampanyang huwag silang iboto sa halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Marami ang mga ito, mga Bro, kaya  naman tiyak na papasa ito bilang batas kahit na walang basbas ng nakararaming mamamayan.

Isang araw, ilalathala natin ang mga pangalan ng mga nagsulong ng libelo at isa ito sa mga dapat nating gawin.

Magtulong-tulong tayong kumilala sa mga sponsor ng libelo at kalawitin natin sila sa susunod na halalan.

MABIGAT ANG LIBELO

Hindi ordinaryong kaso ang libelo na gustong parusahan ng bagong batas.

Mas mabagsik ang parusa rito kaysa sa parusa na itinatadhana ng Revised Penal Code.

Tingnan ninyo, mga Bro.

Sa RPC, 6 months and 1 day hanggang 4 years and 2 months o prision correccional lang ang parusa ng libelo.

Pero sa anti-cybercrime law, ginawang prision mayor ang parusa at parusa ito sa nakapatay ng tao o sa kasong homicide.

EPEKTO NG PARUSA

Alam ba ninyo ang epekto sa mga akusado ng bagong batas?

Kung ma-convict ka sa batas na RPC sa Regional Trial Court, pupuwede kang magpakanlong sa sinomang opisyal o kilalang tao sa lipunan at hindi ka ikukulong.

‘Yun bang === iku-custody ka ng kapitan o meyor o governor o senador at iba pa.

Pero rito sa anti-cybercrime law, pag na-convict ka, dadalhin ka kaagad sa Bilibid at kakanselahin ang iyong piyansa.

Aantayin mo na lang ang desisyon ng Court of Appeals at Supreme Court kung lalaya ka o hindi batay sa merito ng iyong kaso.

BILANGGONG KALAYAAN

Habang nakakulong ka, patay na rin ang iyong kalayaan sa pamamahayag sa ilalim ng cybercrime law at lalala ang iyong kalagayan kung titirahin ka ng maraming count ng libel.

Magagawa kang ipakulong nang habambuhay lalo na ang mga maiimpluwensya at taga-gobyerno.

Kaya, sana matutunan natin ang magkaisa at pagtulung-tulungan nating gibain ang libelo sa anti-cybercrime law.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Leave a Reply

*
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.