Gift hindi binabawi ni John Lloyd Cruz!

NOON pa pala crush ni John Lloyd Cruz si Angelica Panganiban. Common friend rin nilang aktor ang naging bridge para lumalim ngayon ang kanilang relasyon.

Wala namang masamang pahayag ang ex-boyfriend ni Angel na si Derek Ramsay kay Lloydie sa nangyayari kahit dalawang beses siyang nawalan, una ay kay Angel at pangalawa ay sa pelikulang ‘The Mistress’ na nakapag-shoot na sila ni Bea Alonzo pero inalis siya sa project nu’ng lumipat siya sa TV5 at pinalitan ni JLC.

“I’ll stand by what I said about John Lloyd. I have nothing against him,” sey niya sa isang panayam.

Gusto na rin matuldukan ni Derek ang isyu sa kanila ni Angel dahil pareho naman silang happy. Hindi rin raw niya kailangang ipagtanggol ang sarili niya sa mga isyu na nagmumukha siyang masama dahil alam naman niya ang totoo.

May mga alingasngas kasi na ipinamukha raw ni John Lloyd sa dating boyfriend ni Angel na walang bawian pag nagregalo siya dahil ipinangalan sa aktres ang bigay nitong Mercedes Benz at binigyan pa ng diamond ring.

Ayaw na raw niyang pag-usapan dahil sinasabi nilang siya ang laging nagsasalita tungkol sa kanila ni Angelica.

Mas gusto na niyang tutukan ang bago niyang serye sa TV5 entitled ‘Kidlat’.

Abangan!

-0o0-

TUWANG-TUWA si DK Valdez nang mapanalunan niya sa 4th PMPC Star Awards for Music ang Best New Male Recording Artist para sa album niyang ‘DK Valdez: It’s All About Love’ ng BWB Records.

Kung inyong natatandaan, noong Abril 2 to 8 ay nanguna siya sa record ng Astrovision/Astroplus’ top-selling albums, mapa-OPM at foreign.

Kinabog niya ang benta ng album nina Angeline Quinto, David Archuleta, Lea Salonga, Basil Valdez, Christian Bautista, Bamboo, atbp.

Kahit saan mo dalhin ngayon si DK ay iisa ang komento sa kanya, magaling mag-perform at maganda ang boses. Kagagaling lang niya sa Germany kung saan ay nag-iisa siyang Pinoy sa orchestra na nagpe-perform. Sa mga hotel rin sa Thailand siya kumakanta pag wala sa Germany.

Nagkaroon na rin siya ng award sa Germany bilang Best Performer pero iba raw ang feelings na manalo sa sarili nating bansa. Pangatlong beses na siyang bumalik sa Europe bilang performer.

Ano feeling niya nang mag-win siya sa Star Awards?

“Hindi ko ini-expect. kahit nomination lang sa akin, okey na,e ! Sobrang kaligayahan. Alam mo pag-uwi ko, pagtulog ko, yakap-yakap ko ‘yung trophy, hindi nga hanggang sa makatulog ako,” sey niya.

“Umiyak ang nanay ko nang mabalitaan niya na nanalo ako. Humingi ng balato. Hahaha! Akala niya may cash prize. Actually, pati sa Germany, nabasa sa Facebook ko, humihingi ng balato kasi akala nila may pera. Sa Germany kasi may cash na natatanggap pag nanalo pero sabi ko trophy lang ‘yan.,” kuwento pa niya.

Magco-concentrate na ba siya sa Pinas at seseryosohin ang singing career niya dahil nanalo siya ng award?

“Gusto ko sana mag-concentrate na kaya lang, meron pa akong project sa Germany na Christmas album. Matatapos kasi ang kontrata ko run, January 3, 2013. Babalik ako run ngayong October dahil meron pa akong kontrata na 3 months pa. Next year, baka full blast na ako,” sey niya.

Ang carrier single niyang ‘Tatanggapin Pa Ba Kita’ ay pinapatugtog din sa Pinoy Radio UK sa London na kung saan maraming Filipino ang nakikinig.

‘Yung kanta niya ay two weeks nang number 1. Naunng pinatutugtog dun ‘yung ni-revive niyang kanta ni Marco Sison na ‘My Love Will See You Through’ na pumasok naman sa top 10. Tinatangkilik daw talaga ng mga OFW ang kanyang kanta dahil nakaka-relate sila sa lyrics.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply