Gilas 2.0 handa na sa Iran

MAKIKIPAGBAKBAKAN ang Smart Gilas-Pilipinas 2.0 kontra Iran sa semifinals ng 4th FIBA-Asia Cup sa Ota City Gymnasium, Tokyo upang makakuha ng slot sa Finals.

Nakatakda ang laban ng Pilipinas at Iran ngayong alas kuwatro trenta ng at ang mananalo sa kanila ay makakaharap ang magwawagi sa Qatar at Japan sa isang semifinal match.

Dinurog ng Team Pilipinas ang Chinese Taipei, 75-68 kahapon sa quarterfinals habang tinambakan ng Iranians ang Uzbekistan, 79-37.

Suki ng nationals ang mga Taiwanese sa tatlong taon nilang paghaharap habang ang Iranians ay balikatan ang resulta ng kanilang labanan.

Ayon sa mga Iranians parang Finals na ang laban nila sa PHL 5 kaya naniniwala sila na kung sino ang mananalo sa kanila ay malaki ang tsansa na maging kampeon sa nasabing liga.

Samantala, ng makuha ang taiwanese ang unang lamang nila,53-52 ay kumana na si LA Tenorio upang pangunahan ang 9-2 run sa fourth canto.

Si Marcus Douthit ang nangalabaw ng todo para sa Gilas ng isalpak nito ang double-double performance, (19 pts. At 18 rebounds) 14 puntos naman ang inambag ni gary David habang 10 ang kinamada ni Raniedel De Ocampo.

Tumulong din sina Tenorio at Larry Fonacier ng tig siyam na puntos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply