Gilas ginilitan ang Uzbek

HINDI na kinailangan ng Smart Gilas Pilipinas na kumuha ng lakas kay naturalized Filipino Marcus Douthit dahil umpisa pa lang ng laban ay ramdam na ang mahinang laro ng Uzbekistan.

Sinalpak ng Team Pilipinas ang ikalawang panalo ng kawawain nila ang Uzbekistan, 85-50 sa  FIBA Asia Cup sa Tokyo, Japan kanina.

Umarangkada si Jeff Chan ng 20 puntos upang siguruhin ang pagsampa ng Nationals sa susunod na stage, bagama’t may isa pang laro kung saan ay makakaharap ng PHL 5 ang pinakamahinang team sa Group A na Macau.

May kartang 2-1 win-loss slate ang Pilipinas at kasalo nila ang Lebanon sa top spot ng talunin ng huli ang matatangkad na China, 89-69.

Makakaharap ng Smart Gilas ang Macau bukas ng umaga para tapusin ang asignatura sa preliminary round at paghandaan ang crossover knockout stage.

Abante agad ang PHL, 23-16 at lumaki pa ito sa halftime, 39-21 matapos ang 17-0 run ng mga Pinoy cagers.

Si jared Dillinger ang pumangalawa sa scoring ng Pilipinas na nagkabit ng 10 puntos habang siyam ang ginawa ni Douthit.

Ang China ang tumalo sa Pilipinas, 71-68 sa first day ng liga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply