Gilas kayod kalabaw

DUMAPO sa second spot sa Group A ang Smart Gilas Pilipinas 2.0 matapos kaldagin ang Macau, 98-46 kahapon sa kanilang pang-apat at huling laro sa preliminary rounds ng nagaganap na FIBA Asia Cup sa Tokyo, Japan, Lunes.

Didiretso ang Team Pilipinas sa quarterfinal knockout kung saan ay makakaharap nila ang Qatar o ang Chinese-Taipei sa Huwebes.

Tinapos ng Smart Gilas kartang 3-1 kapareho ng defending champion Lebanon at China.

Nagwagi ang Pilipinas sa Lebanon, 78-68 pagkatapos nilang matalo sa first game kontra sa matatangkad na China, 68-71.

Tinalo naman ng Lebanon ang China, 89-69.

Dalawang araw bago bumalik sa courth ang PHL 5 subalit walang balak na magpahinga si coach Chot Reyes dahil anya ay malalakas ang susunod nilang makakalaban kaya kailangan nilang mag practice.

Nakopo ng Lebanon ang No. 1 spot habang No. 3 ang China matapos ipatupad ang tie-break points.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply