‘Gilas pinataob ang Chinese Taipei’

SAMPA sa semifinals ang Smart Gilas Pilipinas 2.0 matapos kalusin ang Chinese Taipei, 75-68 ngayong hapon sa 4th FIBA-Asia Cup sa Ota Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Pumutok ang Team Philippines sa fourth canto ng maagaw ng Taiwanese ang lamang 52-53.

Nagpasabog ng 9-2 run ang tropa ni head coach Chot Reyes upang bumalik ang lamang sa Nationals, 61-53.

Sa siyam na tinikada ng Pilipinas, lima ang kay LA Tenorio ng isalpak muna niya ang dos at saka pumukol ng tres na sinundan naman ni naturalized Marcus Douthit.

Bumira si Gary David ng tres upang ilista ng Gilas ang pinakamalaking lamang, 71-57 may 3:51 minuto na lang ang natitirang oras.

Hindi naman basta bumigay ang opensa ng mga Taiwanese ng isalpak naman nila ang 9-0 run upang idikit ang score sa 71-66 at halos wala ng dalawang minute sa orasan.

Makakaharap ng Smart Gilas ang Iran bukas matapos talunin ng huli ang Uzbekistan, 79-37.

Kumana si Douthit ng 19 points at 18 boards habang si David ay tumapos ng 14 points.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply