Gin Kings vs Batang Pier dadagsain ng fans

PINAKAMALAKAS na bentahan sa takilya ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings kaya naman asahan na dadagsa ang fans sa pagbubukas ng 38th season PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum sa Linggo.

Maghaharap ang Gin Kings at bagong tatag na Global Port Batang Pier kung saan ay ipaparada nila ang kanilang rookie players.

Sina Chris Ellis at Keith Jensen ay hinugot ng Gin Kings sa first round ng 2012 PBA Rookie Draft bilang No. 6 at No. 8, ayon sa pagkakasunod, habang sina Vic Manuel at Jason Deutchman ay pinili ng Batang Pier bilang No. 9 at No. 10.

Samantala, hindi pa lubusang nakahanda ang San Mig Coffee, (dating B-Meg) subalit ayaw itong isipin ni coach Tim Cone.

Ang star players ng Mixers na sina James Yap at Marc Pingris ay nakabakasyon pa, samantalang nagpapagaling sa injuries sina JC Intal at Joe Devance.

Ganunpaman ay sa Oktubre 5 pa maglalaro ang tropa ni Cone kalaban ang dating koponan na Alaska Milk kung saan ay ibabandera nila ang kanilang No. 2 first round pick Calvin Abueva.

Sa Oktubre 3 ay maghaharap naman ang Petron Blaze at ang kampeon sa nakaraang Governors Cup na Rain or Shine sa alas-7:30 ng gabi.

Ipaparada ng Boosters ang No. 1 overall pick na sina 6-foot-10 center Jun Mar Fajardo at No. 3 pick Alex Mallari kontra sa Elasto Painters na itatampok si No. 7 selection at dating Smart Gilas-Pilipinas team captain Chris Tiu.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon magsasalpukan naman ang Barako Bull at Air21.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply