Misis baon sa utang nagbigti sa puno

DAHIL baon sa pagkaka-utang, isang ginang ang nagbigti sa puno ng mangga sa Ilocos Sur kaninang umaga.

Ang bangkay ng biktimang si Elisa Tabin, 41-anyos ay nadiskubre na lamang ng kanyang mga kapitbahay na nakasabit sa isang malaking sanga ng puno ng mangga na ilang metro lamang ang layo sa bahay nito sa Barangay Padu Chico, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ayon kay Sto Domingo chief of police P/Supt. Onesto Lazo, napansin ng mga residente sa lugar na may umuugoy-ugoy na isang bagay na nakasabit sa nasabing puno.

Kinutuban, nilapitan nila ang naturang puno at tumambad sa kanila na tao pala ang nakasabit sa puno at ito ay si Elisa.

Ayon naman sa mister ng biktima, wala siyang maisip na problema kung bakit magpapakamatay ang kanyang misis puwera na lamang ang malaking pagkakautang nila sa bangko na kapag hindi nabayaran ay maaring magpasok sa kanila sa kulungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply