Ginang binugbog ng ka-live-in partner, tigok

NAMATAY ang isang 37 anyos na ginang nang bubugin ng kanyang ka live-in partner dahil sa sobrang kalasingan.

Ang biktima ay kinilala lang sa pangalang Maria Gallero, may limang anak sa kanyang ka live-in partner na suspek na kinilalang si Artemio Punta, residente ng Maria Theresa Village, Barangay San Isidro sa lungsod ng General Santos.

Batay sa pahayg ni Miguelita, kapatid ng namatay, magkasama pa ang biktima at ang kanyang live-in partner na pumunta sa isang inuman at madaling araw na ng naunang umuwi ang biktima.

Nagpaalam ang ginang sa suspek subalit nagalit umano ang lalaki dahil itoy napahiya sa kanyang mga kasamahan.

Pagdating sa bahay, pinagbubugbog ng suspek ang biktima subalit nagawa pa nitong gumanti at nadala ang biktima sa ospital.

Makalipas ang sampung araw binawian ng buhay ang biktima matapos na mabali umano ang kanyang leeg dahil sa malubhang pambugbog.

Sa ngayon, pinaghahanap na ang suspek na tumakas nang malaman nitong binawian ng buhay ang ina ng kanyang limang mga anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply