Ginang hinoldap papalabas ng simbahan

HINOLDAP ang isang ginang ng hindi pa kilalang lalaki habang ang una ay papalabas ng simbahan karga ang sanggol sa Caloocan City.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon, papalabas ang biktimang si Maricar Daruca, 26 karga ang sanggol na 7 buwan sa San Roque Cathedral Church sa A. Mabini st., ng lungsod nang lapitan at tutukan ng patalim ng suspek.

Kinuha ng suspek ang gintong singsing at cash na P5,000 ng biktima bago tumakas ang una.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima subalit hindi na nakita ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply