Ginang nanganak habang nire-rescue sa Zambo

ISANG ginang ang nagsilang ng isang sanggol na babae habang isinasakay sa rubber boat nang magsagawa ng rescue operation sa ilang lugar sa Zamboanga City nang salantain ng baha at malalakas na alon kagabi.

Agad namang idiniretso sa Zamboanga City Medical Center ang ginang sakay ng ambulansya.

Dahil sa naturang pagbaha at nararanasang malalakas na alon, nagdeklara na ng state of calamity ang pamahalaang lokal ng Zamboanga City para sa walong mga barangay.

Kabilang dito ang Barangay Labuan, Patalon, Tugbungan, Vitali, Mangusu, Barangay Tigtabon, at iba pa.

Layon nito na magamit ang kani-kanilang mga calamity funds para matulungan ang mga sinalantang residente.

Nabatid na mahigit 1,000 pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation center sa syudad habang ang iba naman ay pansamantalang nakikisilong sa mga barangay, simbahan at mga paaralan.

Bandang alas-9:00 kagabi nang ideklara ang state of calamity ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat para sa walong nabanggit na barangay.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply