Ginang nangdukot sa cellphone, tiklo

KULONG ang isang ginang nang dukutan ng cellphone ang bebot na bumibili ng fruit shake sa loob ng mall sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Rosario Cordero, 33, ng Cupang, Balagtas, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-6 ng gabi, bumibili ng fruit shake sa Prutas Stand sa loob ng Victory Mall sa Monumento nang lapitan ng suspek na nagkunwaring bibili rin.

Dinukot ng suspek ang cellphone sa bag ng biktima na nakita naman ng mga pulis na nag-iikot sa mall na naging dahilan upang dakmain ang suspek kung saan nabawi ang cellphone ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply