Ginang napaanak sa gilid ng kalsada sa Kyusi

NAPAANAK ang isang ginang sa gilid ng kalsada makaraang hindi umabot sa lying-in clinic sa Sitio San Roque, Quezon City, pasado alas-4:00 kaninang madaling araw.

Base sa salaysay ni Ginang Emily Sta. Maria, magpapa-check up sana siya sa isang lying-in clinic sa Muñoz dahil sa tumitindi na ang nararamdamang hilab sa tiyan.

Ngunit nang nag-aabang na siya ng taxi sa naturang kalsada, biglang lumabas ang ulo ng sanggol na mapalad namang nakita ng mga residente na isa sa kanila ay midwife na siyang nagtulung-tulong upang ligtas na mailabas ang sanggol at matanggal ang pusod nito.

Tumanggi na ring magpadala sa ospital si Sta. Maria dahil kaya na umano niya ang kanyang sarili at malusog naman ang isinilang niyang babaing sanggol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply