Ginang tumakas sa ospital, natagpuang patay

PATAY na nang matagpuang ang isang hindi nakilalang ginang sa Rizal Park sa Ermita, Maynila, na sinasabing tumakas sa Ospital ng Maynila kaninang umaga

Inilarawan ang biktima na nasa edad 50-55, may taas 5’2-5’4, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na T-shirt at pink na short pants.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 kaninang umaga ng mamataan ni Josh Castelo, parking attendant sa lugar ang biktima.

Ayon kay Castelo, huli niyang nakitang buhay ang biktima noong Setyembre 27 nang isama ito ng mga tauhan ng Manila Social Welfare Department (MSWD) upang dalhin sa Ospital ng Maynila dahil sa iniindang pananakit ng dibdib.

Iniwan ng mga tauhan ng MSWD ang biktima sa nasabing pagamutan upang masuri ngunit umalis nang walang paalam sa mga doktor at hindi nakuha ang anumang pagkakakilanlan nito.

Nabatid na madalas umanong makita ni Castelo ang biktima na pagala-gala sa lugar hanggang kaninang umaga, ay nakita niyang nakahandusay at wala nang buhay ang biktima.

Nang suriin ng pulisya ang biktima, walang nakitang anumang sugat sa katawan nito.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply