Ginang umiwas sa aso, sumemplang sa motor, dedo

NATIGOK sa aksidente ang isang ginang nang sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo matapos ilagan na masagasaan ang tumatawid na aso sa Boracay nitong Martes ng hapon.

Isinugod sa Boracay Provincial Hospital sanhi ng pagkakabagok ng kanyang ulo ang biktimang si Relanie Artosenia, residente ng Balabag, Malay sa isla ng Boracay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 4:30 nitong Martes ng  hapon sa Barangay Numancia.

Bago ito, pauwi na ang biktima mula sa pagpaparehistro ng kanyang motorsiklo sa Land Transportation Office (LTO).

Pagsapit sa lugar, biglang tumawid ang isang aso sa kalsada at para hindi masagasaan ay iniwas ng biktima ang manibela ng kanyang motorsiklo pero sumemplang ito sa imburnal na malapit sa isang eskuwelahan sa bayan ng Numancia at tumama ang ulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply