Glaiza de Castro, mas pinili ang mature role sa ‘Temptation of Wife’

PUMASOK na si Glaiza de Castro sa mature roles kahit sa totoo lang, siya’y certified virgin pa rin hanggang ngayon. Mas na-attract kasi siya sa kanyang role bilang si Heydie sa “Temptation of Wife” compared sa role niyang madrama lang sa Haram.

Ang mommy niyang si Cristy Galura ang nagsabi sa amin na mas na-challenge ang anak niya sa role sa Temptation of Wife bilang mang-aagaw ng asawa kahit pa sabihing magkakaroon si Glaiza rito ng kissing scenes at maroromansang tagpo sa bed na kasama si Dennis Trillo.

Ani Mommy Cristy: “Ewan ko ba sa anak ko, mas na challenge pa sa role sa Temptation of Wife na hindi basta-basta role. Imagine, kahit virgin pa ang anak ko hanggang ngayon, magkakaroon siya ng anak rito. Lalabas siyang mother na matapang para sa kanyang anak.”

Sa mga naiibang roles natsa-challenge si Glaiza. Ayaw na niya sa mga nagampanan niyang roles rati. Sa tingin niya, ang role niya sa Haram ay ordinary lang kahit sabihing madrama pa ito.

Bukod pang sabihin na ang makasasagupa niyang muli sa mga dramatic scenes ay si Marian Rivera. Nagkaroon na sila dalawa nang ganitong encounter sa soap na “Amaya.”

Kaya lang si Marian bilang si Angeline ay aapihin nang lubus-lubos ni Glaiza bilang si Heydie. Makakasama rin sa soap bilang si Nigel si Rafael Rosell, ang dating taga-ABS-CBN actor na ngayo’y lumipat na sa Siyete. Iisa ang manager nina Marian at Rafael, si Popoy Caritativo.

000

MALA-ACTION pala ang Haram na bagong soap ni Dingdong Dantes at kung saan makatatambal nito si Kylie Padilla. Aba, magkakaroon daw rito ng fighting scenes sina Dingdong at ang isa pang bida na si Neil Ryan Sese.

Lalabas na isang rebelde rito si Neil na magpapatingkad sa kanya bilang magaling na actor.

Aba! parang tailor made kay Neil ang role niya rito. Mukha naman kasi siyang Muslim, sa totoo lang.

Pero na-challenge si Neil sa gagawin nilang fighting scenes ni Dingdong na kaagaw niya sa pag-ibig kay Kyllie.

Anyway, hindi naman nababakante ang protege ni Direk Maryo J, buhat nang matapos ang Biritera ng GMA7.  Lumalabas naman kasi siya ng mga guesting roles sa iba pang soap ng nasabing network.

Bukod pa rito, nakatapos siya ng isang horror movie, ang Guni-Guni, na tampok si Lovi Poe.

Maganda ang love story ng Haram at hitik rin sa madadramang tagpo. Tatalakayin rito ang Muslim culture.

000

ALAM ba ninyo na hindi muna sumasagot basta-basta sa phone niya si Qzu Ong? Susuriin niya muna ang number ng tumatawag daho marami siyang caller lately na ‘unnecessary’ na ibig lang makipagkaibigan at makipag-date. Ito’y maging isang babae o bakla man.

Sa ngayon ay pinipili lang ni Ozu ang makikipagkaigan sa kanya. Ayaw niyang maistorbo sa tsikahan na wala na- mang patutunguhan, bukod pa sa hindi niya priority ang makipag-date sa ngayon lalo na’t busy ang grupo nilang Maskulados sa kanilang latest album, ang Masculados Dekada.

Okay lang din sa kanya na makipagkaibigan sa gay pero ayaw niyang haluan ng ibang usapan pa. Alam niya sa show -biz ay maraming gay na nakapaligid na mababait naman at matulungin rin pero hanggang doon na lang daw muna.

Anyway, sampung taon na ang Masculados at may album launching cum concert ang grupo na managed by Direk Maryo J delos Reyes sa Zirkoh Morato sa Oct 15.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply