Glock pistols para sa PNP aprubado na

SINLEYUHAN na ni PNP Chief Nicanor Bartolome ang multi-billion gun deal para sa pagbili ng Glock pistols.

Ito’y matapos aprubahan ang kontrata ng pambansang pulisya at ng Trust Trade Ltd /Glock Asia noong Septyembre 10 para sa pagbili ng 59,904 units ng 9mm Glock 17 Generation 4 sa halagang P1.98 billion.

Ayon kay Bartolome, naikonsulta na niya sa kanilang mga legal officers ang lahat na aspeto sa procurement process ng nasabing kontrata.

Kaninang hapon ay pinirmahan ni Bartolome ang kontrata sa harap ng personnel ng Command group at Bids and Awards Committee ng pambansang pulisya.

Sinabi pa ng opisyal na 570 na araw pa ang hihintayin ng PNP bago nila mapasakamay ang biniling bagong mga baril.

Ipinagmamalaki naman ni Bartolome na first time na magkakaroon ng baril ang lahat na PNP personnel kung kaya’t napaka-ingat nila sa kanilang mga procedures sa pagbili ng mga baril.

Samantala, kinumpirma na rin ni Bartolome na suspendido na ang pagbili ng mga assault rifle kung saan magkakaroon ng panibagong schedule ng bidding.

Kumpiyansa pa rin ang opisyal na matutuloy din ang pagbili ng PNP ng assault rifle dahil importante na magkaroon ng long firearms ang pulisya.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply