GMA allies over the bakod na sa LP

KUMPIRMADONG lumihis na kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kaniyang mga dating kaalyado upang pormal ng pumasok sa isang koalisyon sa Liberal Party ni Pangulong Aquino.

Ipinahayag ngayon ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na lalagda sa isang kasunduan ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) para sa pagsapi sa koalisyon ng administrasyon.

Pinaplantsa na ang pagpasok sa isang coalition agreement ng NUP sa Liberal party (LP) sa Biyernes, September 28, ilang araw bago ang petsa ng paghahain ng certificate of candidacy.

Layunin ng kasunduan na susuportahan din ng NUP ang mga kandidato ng LP.

Subalit sinabi naman ni National Unity Party (NUP) president at incumbent Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino na malaki pa rin ang suportang ibibigay ng ilang miyembro ng NUP sa mga kandidato sa pagka-senador ng United Nationalist Alliance (UNA) gaya nina San Juan Rep JV Ejercito Estrada at Senador Gregio “Gringo” Honasan.

Sina Ejercito at Honasan ay dumalo rin sa kauna-unahang national convention ng NUP na ginanap sa  Hotel Sofitel.

Ang NUP ay binubuo ng mga mambabatas na kumalas sa partido ni GMA na Lakas-Kampi Christian Muslim Democrats (CMD) na kinabibilangan ng may 38 kongresista.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply