GMA may bagong treatment sa spinal problem

MAY bagong klase ng pagpapagamot si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para sa kanyang spinal problem at ito ay ang paggamit ng tap water at sea salt.

Sa kanyang ipinosteng Twitter account, sinabi ni Arroyo na sinabihan siya ng isang naturalist practitioner na isinisisi ang matinding dehydration sa paglala kamakailan ng kanyang medical woes.

“On his advice I’m doing a naturalist practice of drinking lots of tap water with non-iodized natural sea salt,” pahayag nito.

Hindi naman pingalanan nito ang naturang practitioner, pero sinabi nito na ang pagbabalik ng kanyang spinal problems ay sanhi ng matinding ‘dehydration.’

Bukod dito, sinabi ng dating lider ng bansa na lagi rin siyang pumapasok sa ospital para magpa-dextrose sanhi ng severe dehydration.

Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ni Arroyo na plano niyang sumailalim sa stem cell therapy sa isang alternative medicine doctor.

Nito ring nakaraang linggo, sinabi nito na naghahanap siya ng alternatibong solusyon para sa isang anatomic problem kaya siya isinugod sa isang government hospital noong nakaraang buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply