GMA nagmaniobra sa P111B bridge program – Osmena

BAGAMAT talamak nang tawaging “grandmother of all scam” ginamit pa rin ni Sen. Sergio Osmeña ang pamosong talatang ito ng isang dating senador bilang pantukoy sa maanomalyang P11 bilyong bridge program na hinihinalang minaniobra ni dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang privilege speech nitong Lunes, sinabi ni Osmena na nakakapagdudang gumastos ang pamahalaan ni Arroyo ng halagang P111 bilyon para lamang sa 14 na tulay na inutang mula sa Official Development Assistance (ODA) concessional financing mula sa Britanya at France.

“The NBN-ZTE telecom and North Rail contracts pale in comparison with the GMA bridge contracts. The ZTE contract amounted to P13.7 billion and the North Rail contract amounted to P21 billion. These P111 billion serial scams are 8 times the ZTE contract and 5 times the North Rail contract,” ayon kay Osmena.

Inatasan naman ng Senado ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang naturang anomaly upang matukoy kung sino ang may sala at mairekomendang masampahan ng kasong paglulustay ng salapi ng bayan.

Ayon kay Osmeña, limang opisyal ng ilang ahensiya ng pamahalaan ang nagsagawa ng itinuturing na “highly complex scheme” na siyang nagtulak upang lumobo ang presyo ng tulay na lampas sa pangkaraniwang halaga sa merkado.

“Mrs. Arroyo must explain to the Filipino people these very anomalous series of contracts that they forged with foreign companies. She and her cohorts could be held liable for plunder because this involves P111 billion in people’s money,” ayon kay Osmeña.

Natuklasan ni Osmeña na itinago ang overpricing sa salitang “local expenses” na kumakatawan mula sa 16% hanggang 21% ng kabuuang halaga ng proyekto. “Aabot ang halagang ito sa mahigit P20 bilyon na maaari nang makapagpatayo ng lahat ng silid aralan na kallangan ng ating bansa.”

“Such a fee is big considering that each steel bridge is estimated by the Department of Public Works and Highways (DPWH)—and I think they were underestimating it—to cost around P560,000 per linear meter. But our concrete bridge costs only P240,000 per linear meter,” ani Osmena.

“Ipinagtataka ko lamang kung bakit bumili ng napakamahal na halaga ng steel bridge ang administrasyon ni Pangulong Arroyo samantalang naitayo an gating mga skyway sa semento,” dagdag ni Osmeña.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply