GMA rumesbak sa pagkakadawit sa giriang Enrile vs Trillanes

GMA rumesbak sa pagkakadawit sa giriang Enrile vs Trillanes

TAHASANG itinanggi ngayon ng kampo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa sigalot ngayon sa Senado.

Ito ay kaugnay sa tuwirang pagsasabong nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni GMA, kailanman ay hindi tinawagan ng dating Presidente si Enrile.

Wala rin, aniyang, kasunduan, pag-uusap o anumang pulong na namagitan nina GMA at Enrile kaya huwag daw idamay ang Pampanga solon.

Sa ngayon, pinag-aaralan at masusing pinag-iisipan ng kampo ni GMA kung paano at bakit lumutang ang kanyang pangalan at kung saan nag-ugat ang iringan ngayon nina Enrile at Trillanes.

Matatandaang sinabi ni Trillanes kahapon na si Enrile umano ay siyang “lackey” ni GMA.

Ito’y dahil umano sa pagsuporta sa mga kakampi ni Arroyo, partikular kay Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, na sinasabing makikinabang kapag naging batas ang Nueva Camarines Bill o paghahati sa Camarines Sur.

Nagsimula ang palitan ng maaanghang na salita sa plenary ng Senado nang sabihin ni Trillanes sa kaniyang privilege speech na tila binalewala ni Enrile ang kaniyang posisyon sa panukalang maghahati sa Camarines Sur.

Ito naman ang nag-udyok kay Enrile upang ibunyag ang sekretong pagpunta ni Trillanes sa Beijing upang makipagpulong sa mga Chinese officials kaugnay sa inaangking Scarborough Shoal.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply