GPH-MILF Peace Talks: Kailan ang kapayapaan?

POSITIBO ang tingin ng mga tagamasid sa nagaganap na usapin para sa kapayapaan sa pagitan ng gobyernong Aquino (GP?H) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na me ayudang international dahil sa aktibong partisipasyon ng ilang bansa, gaya ng Malaysia at Japan at maging ang isang pribado na grupong Asia Foundation.

Layunin nitong MILF na magkaroon ng katuparan ang kanilang ipinaglalaban na karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagpapasya (right to self-determination), samantalang sa pamahalaan ay nais nitong tuldukan ang kaguluhan sa Lupang Pangako ng sa gayon ay mabigyan ng puwang ang katiwayasan at maisaayos ang samut-saring problema dulot ng rebelyon, partikular ang mga komunidad na me presensya ng mga rebeldeng Moro.

Nitong nakaraang Linggo, ipinagmalaki ni PNoy ang nakatakdang pirmahan ng kasunduan kasabay ang pagpapasalamat nito sa bansang Malaysia na nagsisilbing host sa peace talks. “In a couple of months,  the peace agreements will be signed,” pahayag ni PNoy.

Me mga katanungan lang na sa tingin na iba ay nakabinbin pa din bagamat me planong talakayin ito ay hindi nabibigyan ng kaukulang pansin. Una, ano ang magiging role ng ilang grupo, partikular ang MNLF na me nilagdaang peace agreement noon na naging bunsod ng pagkakatatag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa magiging resulta ng kasunduan sa pagitan ng GPH at MILF?

Pangalawa, ano ang kahandaan ng magkabilang panig sa mga katanungan o pagtutol ng ilang sektor, gaya ng ilang LGUs para maipaliwanag ng husto ang laman o konteskto ng peace agreement? Kung matatandaan, nabutata ang naunang MOA-AD sa Supreme Court makaraang harangin ng ilang kilalang pulitiko ang agreement sana ng MILF at ng pamahalaan noon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Pangatlo, hindi ba nangangailangan muli ng legislative intiative ang nasabing magiging bunga ng pag-uusap ng GPH at MILF? Mas malaking di hamak ang impluwensya ng mga pulitikong dating tumutol sa MOA-AD kung ikukumpara sa MILF at ng mga taga-suporta nito lalo na at darating ang halalan na kakailanganin ng mga pulitiko ang boto na kontrolado ng mga tumutol noon.

Sana lang pagkatapos na mailabas sa kolumn na ito ang ganitong mga obserbasyon ay mabigyan ng solusyon para hindi tayo kapusin sa panahon at tamasahin ng karamihang umaasa sa usaping pangkapayapaan ang dulot nitong katiwasayan sa mga komunidad na matindi ang pinagdaaang karanasan sanhi ng rebelyon.

Kelan  nga kaya ang tunay na kapayapaan sa bayan ni Abdul?

-000-

Sa naging posisyon ng inyong lingkod na lantarang batikusin ang Coco bank a.k.a. pyramid scam, maraming natuwa, bagamat me mga mangilan-ngilan na nagsabing medyo delikado raw dahil sa lakas ng impluwensya ng nasabing mga taong nasa likod ng nasabing panggagantso.

Sa tingin ng inyong lingkod, uulitin nitong tayuan muli ang anumang isyu na nagiging dehado ang lagay ng maraming bilang ng tao lalo paa t ito ay iligal.

Sa pinakahuling ulat, isang kaso ng syndicated estafa ang isinampa laban sa grupo sa prosecutors’ office ng Cagayan de Oro City. Walang piyansa ang nasabing syndicated estafa at yan din ang kasong isinampa sa nasirang Celso delos Angeles na utak ng Legacy scam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply