Grupo sa oil companies: Ilabas ang book of accounts

HINAMON ng Ibon Foundation ang oil companies na ilantad ang kanilang book of accounts para patunayang makatwiran ang pagpapatupad ng oil price hike.

Ayon kay Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa, mapatutunayan nila ang paniniwala nilang nagkaroon ng overpricing sa oil products base na rin sa available data sa publiko.

Sinabi ni Africa na kung walang itinatago ang mga kumpanya ng langis ay dapat ilabas nito ang kanilang book of accounts sa ibang grupo tulad ng Ibon Foundation at transport groups.

Kasabay nito, inihayag ni Africa na hindi na sila nagulat sa resulta ng pag-aaral ng Oil Price Review Committee dahil sa mga dinaluhan nilang konsultasyon hinggil dito ay ramdam na nilang pumapanig ang grupo ni Committee Head Professor Benjamin Diokno sa oil companies.

Iginiit ni Prof. Benjamin Diokno, pinuno ng komite na kumprehensibo ang ginawa nilang pag-aaral sa Book of Acocunts na isinumite ng oil companies.

Sinabi ni Diokno na wala naman siyang posisyon sa gobyerno gayundin ang mga miyembro ng komite.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply