Guiuan, Eastern Samar, niyanig na naman ng lindol

MULING nakaramdam ng maliit na pagyanig ang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar kaninang madaling araw.

Ayon sa earthquake information ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang unang pagyanig na magnitude 4.5 kaninang 3:04 ng umaga.

Naitala ang epicenter nito sa 97 kilometro sa hilagang silangan ng Guiuan at may lalim itong 36 kilometro.

Tumama naman ang magnitude 4.1 na lindol kaninang 5:47 ng umaga.

Ang epicenter nito ay nasa 148 kilometro sa Timog Silangan ng Guiuan at may lalim na 31 kilometro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply