Gumagamit ng puso’t utak

MARAMI sa mga miyembro ng Philippine National Police, lalo na ang mga opisyal, bukod sa tapang at tigas ng kalooban ay puro isip na lang ang ginagamit sa paglilingkod.

Utak ang ginagamit kung paano magkakaroon ng perang gagamitin sa pagporma at pagkakaroon ng ikalawang pamilya at iba pa.

Subalit itong si Sr. Supt. Ronald Estilles, Chief Directorial Staff ng Manila Police District, ay gumagamit ‘di lang ng kanyang isip kundi pinaiiral din ang lambot ng kanyang puso kaya ang dati-rating 100 MPD personnel na dumadalo sa Monday Flag Raising Ceremony sa UN Ave. compound ay umabot na sa halos 800 pulis.

Bagama’t alam ni Estilles na may ‘lagay’ ang mga ito sa kani-kanilang hepe, ginamit ng CDS ang kanyang utak para hindi mapahiya ang mga kapwa niya opisyal na nagto-tolerate sa mga tauhan nila.

Hindi kamay na bakal ang kanyang pinairal kung paano mapalulutang ang mga ito sa lahat ng gawain sa nasasakupan nila. Ngayon, napupuno ang compound ng MPD kapag may aktibidad dahil sa magandang pangungusap at panghihikayat ni Estilles sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na pinamumunuan ni Chief Supt. Alejandro Gutierrez.

Sa madaling salita,hindi nagkamali si Gutierrez sa pagpili ng kanyang bastonero dahil bukod sa mapagkakatiwalaan, kayang-kaya nitong makisama kaninoman.

Kaya naman sa paggamit niya ng kanyang isip at puso, naglunsad ng isang uniformed mugshot kit ang MPD na ipamamahagi ngayong araw ng Lunes sa headquarters.

Bagaman may direktiba ang PNP headquartes na palakasin ang aspetong operational at administrative ng imbestigasyon, pinairal pa rin ni Estilles ang pagiging “creative” kung kaya’t naisipan niyang i-design ang mugshot kit na bukod sa presentable ay hindi na mahihirapan ang kapwa pulis at suspek.

Hindi na kailangang hawakan ng suspek ang isang piraso ng cardboard kung saan nakalagay ang kanyang pangalan, kaso at kung kailan siya kinuhanan ng mugshot o
larawan mula ulo hanggang balikat.

Nagkaroon ng ideya si Estilles sa mugshot kit base sa mga nakikita niyang naarestong tao, mahirap o mayaman man, na hawak ang cardboard na nakatala ang mismong detalye ng kanyang pagkatao.

Umiral ang kalambutan ng puso kaya isinilang ang mugshot kit na first of a kind sa kasaysayan ng PNP field of investigative work.

Salamat sa walang atubiling pagtulong nina Mr. Booby Bautista at Ms. Millet ng Land Registration Authority-Public Relations and Information Office.

oOo

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply