Gun ban sa Bacolod City ikinasa para sa Masskara Festival

INAPRUBAHAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng gun ban sa Bacolod City sa loob ng 23. .

Ayon kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, kaugnay ito ng selebrasyon ng Masskara Festival sa nasabing lungsod na magsisimula sa Lunes, Oktubre 1 hanggang sa Oktubre 23, at ito ang may pinakamahaba at pinakamatagal na beer garden sa Negros.

Ipinaliwanag ni Bartolome na kanselado ang lahat ng permit to carry (PTC) firearms outside residence sa lungsod.

Ayon kay Bacolod City Police Office (BCPO) Director P/Ssupt. Ricardo dela Paz, ang military at iba pang law enforcement agencies lamang ang maaaring makapagdala ng kanilang service firearms.

Kaugnay nito, bibigyan na rin ng notice ang mga airport, ports at bus terminal upang ipagbawal ang pagdadala ng baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply