Gun deal handang sagutin ng PNP-BAC

NAKAHANDANG sagutin ng Philippine National PoliceBids and Awards Committee (PNP-BAC) ang lahat ng alegasyon hinggil sa kanilang pagbili ng mga pistol sa Trust Trade at Gloc Asia Pacific.

Gayunman, ayon kay Deputy Director General Amelito Sarmiento, wala pa namang natatanggap na imbitasyon ang PNP-BAC kaugnay sa mga sinasabing imbestigasyon sa isyu.

Sinabi ni Sarmiento na pawang sa media lamang nila naririnig ang hinggil sa planong pag-imbestiga sa kanila ng Kongreso.

Maging si Cong. Angelo Palmones na nagbunyag sa pagdating umano sa bansa ng 28,000 pistol bago pa naibigay ang Notice of Award sa nanalong bidder ay hindi pa nila nakakausap.

Ayon kay Sarmiento, hindi nakaladkad ang buong institusyon ng PNP kung sila na lang muna ang kinausap at tinanong ni Palmones.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply