Gun permits nina Carabuena, Bantiles, kinansela

KINANSELA ng Philippine National Police (PNP) ang gun permits nina Allan Bantiles at Robert Blair Carabuena na kapwa nasangkot sa magkahiwalay na kontrobersya.

Sinabi ni PNP Firearms and Explosive Office (FEO) chief Raul Petrasanta na inaasahan niya ang paglabas ng kautusan sa loob lamang ng isang araw para ang dalawang baril ni Bantiles ay makumpiska.

Ipinatupad ng PNP-FEO ang kahilingan ng kampo ng Colegio San Agustin student na si Jaime Garcia na nauna nang inakusahan si Bantiles ng panunutok ng baril sa kanyang mukha.

Ang panunutok ng baril ay nag-igting nang asar-asarin (bullying) ng anak ni Bantiles si Garcia. Itinanggi naman ni Bantiles, sa pamamagitan ng kanyang abugado ang akusasyon ni Garcia.

Kinasuhan ni Garcia nito lamang nakaraang Martes ng murder, slander and slander by deed laban kay Bantiles sa Makati City prosecutor’s office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply