Guns, goons at gold ‘wag gamitin sa halalan – obispo

PINAALALAHANAN ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga politikong lalahok sa May 2013 mid-term polls na huwag gumamit ng “guns, gold at goons”.

Ang apela ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), ay kasunod na rin nang nalalapit na paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga nais na kumandidato sa darating na halalan.

Kasabay nito, nagpahayag rin ng pag-asa si Iñiguez na magiging tunay ang hangarin ng mga kandidato para sa isang malinis at mapayapang halalan sa bansa.

Ayon kay Iñiguez, nalalagay sa alanganin ang karapatang pantao at pribilehiyo ng mga mamamayan na malayang makaboto o makapili ng tunay na lider sa paggamit ng ilan ng dahas at pera upang maluklok sa kapangyarihan.

Nanindigan din si Iniguez na walang karapatang mamuno sa bansa ang mga kandidato o pulitiko na gumagamit ng pera, baril at dahas.

Payo pa ni Iñiguez sa mga botante, kung makakakita ang mga ito ng mga kandidatong gumagamit ng guns, gold at goons sa pangangampaniya ay huwag nang iboto ang mga ito dahil patunay lamang aniya ito na hindi sila karapat-dapat na maluklok sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply