Guro ng Kakawate National High School nagpaliwanag

NAIS ko pong ipaliwanag ang  ukol  sa lumabas  na artikulo  sa Remate na ”Estudyante na-trauma sa mura ng teacher” by Misyon Aksyon/ Aug 28, 2012 6:48pm HKT.

Guro ako sa public school.  Adviser ng lowest section ng 4th year. Katunayan po ay isa akong  Student Affairs Coordinator, Supreme Student Government Adviser at Dean of Discipline. Ito ang mga nakaatang na trabaho sa akin dito sa pampublikong paaralan ng  San Jose Del Monte City, Bulacan. Sa kabila ng maraming gawain, hindi ko isinasantabi ang aking pagiging Math IV teacher at laging handang magturo sa aking mga estudyante.

Bilang guro, ninanais ko ang isang maayos na daloy ng aking talakayan, ngunit sa daloy ng aking pagtuturo ay may mga bagay na  talagang nagiging sanhi ng interruption.

Sa kalaliman ng aking pag-iisip, natatanto ko na merong mali, sa kanila o sa akin. Sa aking sarili ay tinatanggap ko na nagkakamali ako, kaya nga pilit ko pa ring hinahanapan ng mabuting gawa ang mga estudyanteng patuloy na nagpapasakit ng ulo ko. Kahit na ang kadalasang suki ng Guidance ay mga Academically Challenged na mga bata ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko na merong na-titirang mabuti o kagalingan sa kanila sa ibang bagay kung kaya nga pikit-mata ko pa ring binibigyan ng konsiderasyon ang kanilang mga grado.

Sa mga hindi nasiyahan sa aking paraan o pananalita, malugod kong tatanggapin ang suhestiyon n’yo upang pagandahin ito, kasabay nang aking paghingi ng paumanhin sa hindi katanggap- tanggap na pamantayan sa pagiging isang guro para sa iba.

Nakatutuwang isipin na kahit na naglabas ng simbuyo ng damdamin ang “concerned parent” na sumulat ng complaint letter ay hindi pa rin niya naitatatwang sabihin na ako ay isang napakahusay na guro.  Sa kalagayan ng sistema ng edukasyon natin ngayon, alam kong hindi magandang iwan ko pa ito, ngunit sadyang hindi magtagpo ang ating pamantayan.  Ano kaya ang magandang solusyon?

Nakahanda naman akong magbago upang lalo pang mapabuti ang aking pagiging guro.

Bukas naman ako sa komunikasyon kaya nga gumagawa ako ng paraan para makausap ko ang mga magulang. Handa naman akong tanggapin ang mga dulot ng pagbabagong magpapahusay pa sa akin, na kalaunan ay ang mga estudyante ko rin ang makikinabang.

Nahihirapan talaga ako na hanapin ang paraan na kung saan, ito ay masasabing tama sa paningin ng lahat.

Sa kabila ng dami ng aking paalala sa mga estudyante, kasama ang pang-alo, pagbibigay ng bonus points, at kung minsan ay sariling pera ko pa ang pabuya sa tuwing sila ay makagagawa ng maganda, sa kabila ng sinasabi nilang ako ay nakakatakot na guro, sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaala ng batas ng paaralan, marami pa ring bata ang hindi makasunod.

Kung wala talaga akong pakialam  sa aking mag-aaral, sana hindi ko na binibigay ang Cell Phone number  ko para magkaroon kami ng komunikasyon, sana hindi ko na pinapatawag ang mga magulang para maka-usap, sana hindi na ako naglalakad-lakad para maabot ang mga bahay ng mga bata at malaman ang kanilang mga ginagawa kapag walang pasok.

Sabi nga “The Truth is not always expressed in the voice of the majority.” Kung maraming magulang ang nagsasabing hindi maganda ang pamamalakad ko, alam ko po meron pa ring magulang na OK ang vote sa akin.  Pero hindi po yun ang punto ko.  Nagkamali na ako. Kaya nga po hinahamon ko ang aking sarili sa isang ganap na positibong pagbabago.

Kaya umaasa  po ako  nawa  mabigyan ng kaliwanagan  ang mga bata  at  makita ng mga magulang  ang paraan  ng  aking   pagsuweto  sa kanila. Ipinanganagako  ko na  ibang pamamaraan  sa  uri  at  ayon  sa ikababuti ng mga  mag-aaral ang aking gagawin at  umaasa  po ako  na   inyong   mauunawan  para  sa kapakanan ng bawat  panig.

Gumagalang
Mr  Julius   Villnueva

Bukas po ang aking kolum  para  sa inyong panig  at kapaliwanagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234  SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply