Gurong may sakit nairita, mga estudyante pinakain ng papel

DAHIL umano sa iniindang sakit ay nabigla at pinakain ng papel ng isang guro ang kanyang mga estudyante sa lalawigan ng Cebu.

Ito ang naging basehan ng paghingi ng tawad ng hindi pinangalanang guro mula sa Pakna-an National High School sa Mandaue City, Cebu.

Nabatid na nakarating na ang reklamo ng mga mag-aaral sa Department of Education sa Maynila at maging sa Commission on Human Rights.

Gumugulong na rin umano ang pagsisiyasat ng CHR-Central Visayas (CHR-7) sa umano’y naganap na pagpapakain ng papel ng guro sa kanyang 4th year high school class sa nabanggit na paaralan.

Humingi ng tawad ang naturang guro at sinabing nagawa lamang ito dahil masamang-masama ang kanyang pakiramdam.

Napag-alaman na sumumpong ang sakit ng guro at lumabas lamang ito para uminom ng gamot.

Bago iwanan ang klase ay nag-iwan muna ang guro ng seat work ngunit pagbalik ay magulong-magulo na ang klase.

Dahil umano sa sama ng pakiramdam at silakbo ng galit ay inutusan ng guro ang kanyang mga estudyante na isubo ang hawak nilang graphing paper.

Nabatid pa sa ilang mag-aaral na pinagmumura pa sila ng guro pero nang mahismasmasan ito ay agad na humingi ng tawad.

Gayunma, desido naman ang mga magulang ng mga estudyante na magsampa ng kaso laban sa guro kahit pa humingi na ito ng tawad.

Nabatid na tumanggap na ng maraming pagkilala ang guro at nahirang na rin na huwarang guro sa Mandaue.

Sa pinakahuling impormasyon, nag-leave na ang naturang guro at hindi pa batid kung kailan ito babalik sa nasabing paaralan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply