Gusali sa Sta. Mesa tinamaan ng kidlat

TINAMAAN ng kidlat ang isang residential building sa kanto ng Pinagbuhatan street at V. Mapa street sa Sta. Mesa, Maynila kagabi.

Base sa salaysay ni Barangay Chairman Eduardo Toledo, tinamaan ng kidlat ang ikaapat na palapag ng residential building na nagresulta ng pagkakatibag ng ilang bahagi nito.

Nabatid na nabiyak ang semento ng naturang palapag at nabagsakan ang nakaparadang kotse sa ibaba ng naturang gusali.

Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply