Guwardiya ninakawan ang kompanyang binabantayan

KULONG ang guwardiya matapos umamin na siyang kumuha ng mga pera sa binabantayan kompanya sa Caloocan City.

Nakilala ang sekyu na si Marjhun Yasar, 24, ng Zapote, Bacoor, Cavite.

Nabatid na noong Setyembre 12, 2012, dakong alas-9 ng umaga nang malaman na nabuksan ang vault ng Probikes sa 12th Avenue ng lungsod at nawawala ang P63,671 na nakalagay sa loob.

Kahapon ay inamin ng suspek sa kanyang junior branch manager na siya ang kumuha ng pera at ibinalik ang P4,000.

Agad na dinala ang suspek sa presinto at sinampahan ng kasong qualified theft.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply