GWP: Pagkawala ng sanggol sa ospital, iimbestigahan

PAIIMBESTIGAHAN ng Gabriela Women’s Party ang pagkawala ng isang sanggol mula sa isang ospital sa Lungsod Quezon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Gabriela congresswoman Emmi de Jesus, lubhang nakakabahala na basta na lamang madukot ang isang sanggol na nasa pangangalaga ng isang ospital samantalang ang ina ay nagpapagaling sa kalapit na kwarto.

Tinututulan din ni De Jesus ang pahayag ng isang kawani ng Sta Teresita Hospital na ang ina mismo ang may kagagawan sa pagkawala ng baby.

Agad na dinalaw ni De Jesus ang inang si Ces matapos itong humingi ng tulong sa Gabriela at gayun din ang ospital upang pakinggan ang kanilang panig.

Kumbinsido si De Jesus na biktima si Ces at ang sanggol niyang si Gabriel at walang kakayahan ang ina na isagawa ang paratang ng ospital.

Binawi naman ng Sta Teresita Hospital ang paratang sa ina, sa pamamagitan ng isang nagngangalang Dr Joseph Tortona.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply