Gyera ng gubyernong Aquino vs maralita ng lungsod, kinondena

MARIING kinondena ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang anila’y walang humpay na gyera ng gubyernong Benigno Aquino laban sa mga maralitang pamayanan.

Ito ang naging pahayag ng KMU matapos ang demolisyon ng kabahayan ng mahigit dalawandaan at limampung pamilya sa Guatemala Street sa Lungsod ng Makati kahapon.

Itinuloy ang demolisyon sa naturang lugar upang bigyang daan ang tatlong palapag na multi-purpose center ng Barangay San Isidro, kabilang na ang isang palaruan.

Kinondena rin ng KMU ang pagpapatapon sa mga residente ng Guatemala sa Calauan, Laguna kung saan, ayon sa kanila, ay wala pang bahay na lilipatan ang mga biktima.

Paliwanag ng labor center, wala ring kabuhayan sa lugar gayun din ang mga serbisyo sosyal tulad ng eskwelahan, ospital at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply