Hamon kay Gen. Espina at tunay na salarin

MATINDING baha na naman ang naganap sa maraming lugar sa Metro Manila nitong nakaraang mga araw.

Ang itinuturong dahilan ay ang “habagat.”

Bago ito, tumaas ng hus-to ang bilang ng mga nagka-dengue. Ang itinuturong dahilan ay ang pesteng lamok.

Kamakailan naman, nang dumagsa ang sakit na “lep-tospirosis,”  ang dahilan daw ay ihi ng pasaway na daga.

Kapag nagugutom ang mahihirap, ang dahilan daw ay kawalan ng trabaho.

Nang lumaganap kamakailan ang carnapping ay mga sindikato naman at carnapper ang sinisisi.

Kawawa naman tayo, parekoy, tingin kasi ng gobyerno ay bobo talaga tayong lahat!

Habagat nga ang nagdadala ng matinding ulan. Gaya rin naman sa leptospirosis na hatid ng ihi ng daga at dengue na dulot ng kagat ng mga lamok.

Aminado tayo riyan, parekoy, gaya naman sa gutom na hatid ng kahirapan at mga krimen gaya ng carnapping na kagagawan ng sindikato.

Pero ang tanong natin, bakit hindi napaghandaan ang mga ito ng ating pamahalaan?

Madali nga namang  ikatwiran ang habagat sa baha, ang lamok sa dengue, ihi ng daga sa leptospirosis, kawalan ng trabaho sa kahirapan at sindikato naman sa mga krimen.

Pero sa totoo lang, ang tunay na salarin sa mga ito ay ang kapalpakan ng pamahalaan o kabiguang magsagawa ng matitinong proyekto!

Kailangan pa bang sabihin na dahil ito sa corruption?

-o0o-

HINDI nasindak kay NCRPO Chief Gen. Leonardo Espina ang mga iligalista sa Camanava na sina Nancy Kamote, Boy Edmund at Boboy Go.

Sina  Edmund at “Kamote” ay balitang mga front lang ni Barreto sa Caloocan, at si Boboy Go ay hawak ng isang politiko sa Malabon.

Pero ang tunay na dahilan kaya patuloy ang kanilang iligal na sugal dahil walang mintis ang collection sa kanila ng mga tauhan ni Gen. Antonio Decano na sina P03 Jojo Cruz at Maj. Lleva. Dito masusubukan si Gen. Espina!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply