Hamon sa bagong NCRPO chief: Sakla, VK, lotteng, bookies

BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  text messages at  mga nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

MAGANDANG araw po, nakatatawa po ang nangyayari ngayon sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy. Una, nagbatuhan ng kanilang mga itinagong bulok sina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Antonio Trillanes.

Sumunod naman na naglabasan ng kani-kanilang baho ang dalawang pinakamataas na tao sa PDEA. Sino po kaya ang susunod at anong opisina kaya ‘yun?

Ang tatanda na nitong mga  taong ito, nag-asal bata pa rin. Hay naku, PNoy, matuwid na raan nga ang tinatahak natin ngayon. Kawawa naman ang bansa natin.

GOOD day Lily’s Files. May puna lang ako sa mayor ng Quezon City. Bakit ipinagbawal niya ang paggamit ng plastic sa pamilihan gayung binabayaran din naman pala ng dalawang piso pag wala kang dalang bag.

Eh ‘di kumita pa sila. Sira na ba talaga ang ulo ng mayor ng Quezon City na yan? Ito ay opinion ko lang, ang tamaan guilty.

MAGANDANG araw po, Ma’m. Sa Cubao malakas ang tayaan ng color game, 2 mesa sa likod ng Sogo Hotel, sa tapat ng Spring hotel at 4 na mesa sa tapat ng Gateway Mall.

Ang  mga  protector na pulis  ay matatapang  pag dumaan sila at pag tumawid ka ay mumurahin ka. Sana po, ma’m, pakikalampag naman po, kasi ang mga kabataan dito sa lugar namin ay nalululong sa color game.

GOOD day, Ma’m Lily. Paki- tawagan naman po ng pansin ang Land Transportation Office (LTO) at ang Tricycle Regulation Unit (TRU) ng Quezon City.

Marami pong tricycle ang bumibiyahe ng walang rehistro at wala ring mga prangkisa.

Bukod dito ay wala ring mga lisensiya ang mga driver na nagmamaneho, walang kalaban-laban ang mga pasahero kapag naaksidente at marami rin pong tricycle driver ang nangho-holdap sa kanilang mga pasahero.

MABUHAY po sa Lily’s Files.  Napansin ko lang po, nagkalat po ang mga pulis sa Plaza Miranda, sa Quiapo, Maynila kapag araw ng Biyernes. Pero bakit nalulusutan sila ng mga mandurukot at holdaper?

GOOD morning po sa Lily’s Files. Dito po sa likod ng opisina ng PDEA, sa may NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City ay nag-kalat po ang droga. ‘Yung mga nagbebentang mga bata, bata rin po ng mga pulis sa Karingal. Bakit hindi po ito binibigyan ng pansin
ng mga taga-PDEA agent?

oOo

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhes-tiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 0908723-0036  o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply