Hardcore pro-RH, di makikisawsaw sa pag-amyenda

UMAASA ang Malakanyang na walang makikisawsaw na “hardcore” na mambabatas para salungatin ang pag-amyenda ng Responsible Parenthood Bill (RP bill) at tuluyang maipasa ang naturang panukalang batas sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni  Presidential spokesman Edwin Lacierda na ito ang panahon ng pagpasok ng mga concern na may kinalaman sa RP bill at hindi iyong pagalingan at patigasan ng paniniwala ukol sa nasabing panukalang batas.

“Maganda ang suhestiyon ni Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte na ‘yung mga hindi mga hardcore on both sides (ang) isama sa deliberasyon sa period of amendments. We hope that reasonable men and women can come together and discuss the amendments to the RH Bill since this is already the period of amendments,” ayon kay Lacierda.

Umaasa ang Malakanyang na puro makatuwirang tao ang makikisali sa pag-amyenda ng RP bill.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung mayroon ngang binuong technical working group na kakatawan sa ehekutibong sangay ng pamahalaan sa nasabing deliberasyon ng RP bill.

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng Malakanyang ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na madaling maipapasa ang RP na kasalukuyan ngayong hinihimay sa Senado.

Samantala, dedma lang ang Malakanyang sa text brigade di umano ng CBCP kung saan ay nananawagan sa kanilang mga kasama na magpunta ng Kongreso at doon ay ihayag ang kanilang saloobin salungat sa pagpapasa ng RP bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply