Harpoon missile ilalagay sa 2 warship ng Navy

LALAGYAN ng Philippine Navy ng Harpoon missile ang dalawang barkong pagdigma ng bansa na BRP Gregorio del Pilar at ang BRP Ramon Alcaraz na nakatakdang dumating sa Pilipinas.

Ang ilalagay na missile ay para lalo pang mapalakas ang pagbabantay ng hukbong dagat sa mga karagatang pag-aari ng bansa.

Ayon sa Navy, ang hakbang ay bahagi ng pag-papaulad ng mga kagamitan ng Pilipinas lalo na warship

Una rito, inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na planong magtatag ng brigade headquarters sa bahagi ng Palawan, bilang pagpapalakas ng puwersa sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Western Command spokesperson Lt. Col. Neil Estrella, mayroon nang “plan in motion” para sa paglunsad ng internal at territorial defense operations sa area.

Tinukoy din ng opisyal na ang brigade headquarters ay magbibigay ng suporta sa kasalukuyang dalawang batalyon na naka-deploy sa Palawan at mas madali na ang access sa artillery at armor support units.

Kaugnay nito, pinabulaanan din ni Estrella ang report na nag-set up din ng advance command post sa lugar ang US Marines

Kaugnay nito hindi na umano matutuloy ang nakatakdang one-on-one talks ng Pangulong Benigno Aquino III at Chinese counterpart Hu Jintao bilang sidelines sa ginaganap Asia-Pacific Economic Cooperation summit (APEC) sa Russia.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na hindi umano nagkatugma ang schedules ng dalawang lider kaya malabo nang matuloy ang pag-uusap ng dalawa.

Tinuran pa ng kalihim na “missed opportunity” para sa Pilipinas at China ang naudlot na pag-uusap.

Una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulong Noynoy Aquino na ang harapang pakikipag-usap kay Chinese President Hu Jintao ay makakatulong sa pagpapaganda ng relasyon ng Pilipinas at China na kasalukuyang nagkalamat dahil sa isyu ng West Philippine Sea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply