Hataman muling pinatatakbo sa ARMM

UMAAPELA ang mga opisyal at empleyado ng Autonomous Region in Muslim Mindanao  (ARMM) kay Pangulong Aquino na ikunsidera ang muling pagtakbo sa kasalukuyang gobernador sa 2013.

Patuloy ang paglobo ng bilang ng nananawagan kay ARMM Regional Governor Mujiv Hataman na ituloy nito ang nasimulang reporma sa pamamagitan ng paglahok sa darating na eleksyon.

“We, officials and employees of ARMM, who have been in service to the people of the region for more or less two decades, are apprehensive of the possible return of the TRAPOS in the ARMM bureaucracy. The reforms instituted by the current administration like the simple cleansing of ghost in the ARMM payroll, specifically in the ARMM DepEd, the introduction of biometrics in our work places, and putting in place the transparency policy in our bureaucracy, should be continued,” ayon kay Engr. Baintan Ampatuan, Executive Director ng Regional Planning and Development Office.

Ayon kay Regional Secretary ng Department of Trade and Industry-ARMM, Engr. Marites K. Maguindra na isang kampanya ang kanilang inilunsad na nagsusulong sa adhikaing “‘Ambag ng Taumbayan para sa pagpapatuloy ng reporma’t pagbabago sa ARMM.’

Naniniwala si Maguindra na makakaipon sila ng sapat na halaga upang itaguyod ang kampanya at magpatuloy ang nasimulang reporma sa ARMM sa ilalim ng pamujmuno ni Hataman.

“We have also started a signature campaign, which we called ‘Pirma para sa Patuloy na Reporma sa ARMM,” ayon kay Maguindara.

Layunin nito ang makakalap din ng sapat na lagda upang maipagpatuloy ang reporma sa rehiyon na matatamo lamang kung isusulong ni Pangulong Aquino ang pagtakbo ni Hataman sa 2013 election.

“Our people have felt and seen that indeed reform of ARMM is possible, and such possibility can only be achieved with a reform-minded leader, like our President and RG Hataman at the helm of the leadership in the region,” ayon naman kay Assistant Secretary Pombaen K. Kadir ng Department of Social Welfare and Development uttered.

Umaasa ang tatlong opisyal na sa ilalim ng pamamahala ni Hataman sa ARMM ay maitatawad ang matuwid na daan’ sa ARMM .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply