Hearing ng tax case ng mga Corona naudlot

NAUDLOT ang hearing ngayon ng tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, anak na si Maria Carla Beatriz Corona-Castillo at manugang na si Dr. Constantino Castillo III sa Department of Justice.

Ito ay matapos na hilingin ni Atty. Reinard Sanchez sa ginanap na preliminary investigation na ipagpaliban ang pagdinig laban sa dating punong mahistrado at dalawang kapamilya nito upang mabigyan ng sapat na panahon ang kanyang mga kliyente para pag-aralan ang kaso at makapagsumite ng depensa o counter affidavit.

Ang mosyon ng pamilya Corona ay tinutulan ng mga abogado ng gobyerno subalit binigyang merito ng panel ang kahilingan ni Atty. Sanchez.

Bunsod nito, muling itinakda ng lupon ng piskal ang pagdinig sa October 5, alas-10:00 ng umaga.

Sa itinakdang petsa ang mag-amang Corona ay inoobliga ng panel na humarap sa gagawing pagdinig.

Binalaan ng panel of prosecutors ang mga respondent na kung hindi haharap sa lupon ay dedesisyunan na nila ang kaso base sa mga ebidensiya at testimonyang isinumite ng BIR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply