Heart nami-miss si Sen. Chiz

UNTI-UNTI nang lumalabas ang tunay na relasyon nina Heart Evangelista at Senator Francis “Chiz” Escudero. Si Heart, dahil sa sobrang pagka-miss sa separadong senador ay nai-tweet nito sa kanyang Twitter account ang linyang, “I miss you Chiz curls!”

Aba’y hindi na biro ito. Mukhang in-love na nga ang Kapuso star. Matindi pa ang back-up ng dalawa. Akalain n’yong si Sen. Miriam Santiago ang nagtutulak sa dalawa para magkatuluyan?

Anyway, ni minsan ay hindi nag-post sa kanyang microblogging account si Heart ng, “I miss you rose” as in, Rosales o kaya, “I miss you macho” as in, Matsunaga. Hahaha!

***

Jett Pangan bibida sa play

ATLANTIS Productions has pulled a casting coup for it’s upcoming star studded production of the Tony Award Winning musical “NINE.  It has gathered a once in a lifetime cast of movie stars, musical theatre icons, recording artists and rock stars that will deliriously fill the stage in what is sure to be the musical theatre event of the season.

Leading the cast of NINE as filmmaker Guido Contini is rock star and musical theatre favorite Jett Pangan. The role of Guido was originated on Broadway by Raul Julia, played in the revival by Antonio Banderas and in the film version by Daniel Day Louis. Jett marks his 10th year of performing with Atlantis Productions and NINE, his biggest and most challenging role to date, marks his 11th musical with Atlantis. Jett has become the country’s most sought after musical theatre leading man.

The other casts of musical play are: Eula Valdez, Carla Guevara – Laforteza, Menchu Lauchengco –Yulo, Cherie Gil, Yanah Laurel, Ima Castro, Sitti Navarro, Jay Glorioso, Warren Saga, Ethan Paras, Reg Claravall, Japs Treopaldo, Mikkie Bradshaw, Francis Anne Rivera.

Directed by: Bobby Garcia. Show Schedule: September 21 – October 7, 2012 [Every Fridays at 8pm, Saturdays at 2pm & 8pm and Sundays at 3pm]. Venue: 4th Floor, Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.

Please contact Atlantis Productions at 892 7078 / 840 1187, or Ticketworld at 891 9999, or visit www.atlantisproductionsinc.com

***

Aktor lumalabas ang milyones kapag nasasarapan sa bebot

GALING ito sa mga taong malalapit sa aktor na mahilig sa mestisahing artista. Anila, kapag magaling daw sa kama ang karelasyon ng binata ay tiyak na lalabas ang milyones nitong itinatago para i-givesung sa girl sa pamamagitan nang pagreregalo ng mga mamahaling gamit. Hindi raw importante rito ang virginity ng isang girlita. Para sa kanya, mas maraming ‘karanasan’ mas magaling.

Pero ang totoo nito, super kunat ng aktor na ito. Parang balat ng buwaya ang kakunatan nito. Nagiging fabulous lang siya sa bigayan kapag napapaligaya nga ng babae.

***

Barong Bulacan fashion show

ITATANGHAL muli ng mga sikat na Bulakenyo designer ang kanilang mga pabulosong saya at barong sa isasagawang Barong Bulacan fashion show na inorganisa ng Bulacan Association of Resort Owners (BARO) at iba pang katuwang na organisasyon sa Setyembre 14, ala-7:00 ng gabi sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Layon ng nasabing gawain na ipakilala ang tela mula sa Bulacan tulad ng sinamay na siyang ginamit sa paglikha ng mga saya at barong.

Gayundin, sinabi ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na nais din nitong himukin ang iba pang mga designer sa loob at labas ng bansa na gamitin ang mga telang mula sa Bulacan.

Irarampa ng tinatayang 40 modelo ang iba’t ibang koleksyon ng cocktail, avant garde, wedding at Filipiniana na mga likha.

Masisilayan din ang mga hand-painted na barong ng kilalang designer na si Robert Zamora, kasama ang iba pang Bulakenyo designers na sina Alan Soriano, Marvin Garcia, Mannie Halasan, Jersey Lopez, Rave and Jam, Hermo Florece at Vince Sityar.

“Sa show na ito makikita na tayong mga Bulakenyo, pwede nating ipagmalaki ang mga gawang Bulacan locally and internationally,” ani Barong Bulacan fashion show deputy project director Glen de Jesus.

Ang Barong Bulacan ay magkakasamang itinaguyod ng BARO, Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Malolos Diocese Cultural and Heritage Preservation, Malolos Bakers Association at Kababaihang Malolos Foundation, Inc.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply