Hepa A outbreak idineklara sa Apayao

NAGDEKLARA ng Hepatitis A outbreak sa probinsya ng Apayao dahil sa paglobo ng bilang ng nagpositibo sa nasabing sakit.

Sa tala ng Provincial Health Office (PHO) Apayao, mula sa buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Setyembre ay may naitala nang 52 na tinamaan ng Hepa A.

Karamahinan naman sa nagkasakit ng Hepa A ay mga nag-aaral sa Kabugao Central School, Apayao Community Learning Center at Our Lady of Lourdes High School.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang grupo ng National Epidemiology Center ng pagsusuri sa mga blood specimen ng mga biktima at sample ng tubig na ginagamit ng mga residente sa lugar.

Ang pagbebenta ng mga pagkain ng mga ambulant vendor ay ipinagbawal na rin sa lugar habang isinasagawa pa ang imbestigasyon at pagsusuri.

Ayon sa provincial Health Office, isinailalim sa Hepa A outbreak ang munisipalidad ng Kabugao dahil sa biglang pag-akyat ng bilang ng mga nagka-Hepa A nitong nakalipas na buwan ng Agusto.

PInayuhan naman ng local na pamahalaang pangkalusugan ang residente na maging maingat at malinis sa paghahanda ng pagkain upang makaiwas sa pagkakarooon ng naturang sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply