Hepe ng pulis sa Victoria, patay sa aksidente

NAMATAY ang hepe ng pulisya sa Victoria, Laguna police station matapos mabangga ng isang pampasaherong jeep kaninang alas-5:00 ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Sr. Insp. Alex Marasigan habang sugatan ang kasama nitong si Insp. Santiago Contapay.

Ayon kay Laguna Police director, S/Supt. Gilbert Cruz, nangyari ang aksidente sa bayan ng Calauan.

Nabatid na nakaparada ang mobile patrol na sinasakyan ng dalawa sa lugar nang bundulin ng pampasaherong jeep.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply