Hepe,10 pulis Maynila, sinibak sa pwesto

SINIBAK na ang 10 pulis at hepe ng Manila Police District station 4 dahil sa umanoy pangongotong ng mga ito sa isang Canadian citizen sa Zambales

Ayon kay MPD Director Superintendent Alex Gutierrez, administrative relief ang ipinag-utos niya laban sa hepe ng MPD-Station 4 na si P/Supt.Rolando Balasabas at 10 pa nitong mga tauhan habang iniimbestigahan ang kanilang kinakaharap na kaso.

Tanging si Balasabas at PO1 Joseph Vistan pa lamang ang lumutang sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim kaya naman ipinag-utos na rin ni MPD Director Supt. Alex Guittrez ang man-hunt operation sa 9 pang pulis.

Nakilala ang mga pulis na sina SPO3 Sonny Nosidal, PO3 Mike Pornilos, SPO1 Renato Gregorio, PO2 Josefino Callora, PO2 Rolando Ladres, PO2 Dennis Tablizo, PO2 Ryan Malacad, PO2 Laurence Sagum at PO1 Journey Joy Asayo.

Ang mga akusadong pulis ay pawang mga nakatalaga sa Anti-Crime Unit ng MPD-Station 4.

Kahapon lamang ay personal na nagreklamo si Belinda Placido, 55, balikbayan, sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim upang ipagharap ng reklamo ang 10 pulis nangotong ng halagang P1 milyon.

Dinapot umano si Placido sa kanyang bahay sa Zambales dahil umano sa may warrant of arrest ito kaugnay sa frustrated murder nang masaksak nya ang isang anak ng pulis sa Maynila.

Dinala sa Maynila ang biktima at dalawang araw na pinigil sa MPD-Station 4 hanggang sa pakalawan ito matapos makapagbigay ng halagang P1 milyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply