High school class prexy nangreyp ng 34-anyos

KULONG ang 17-anyos na lalaki nang tangkang gahasain ang 34-anyos na ginang sa loob ng comfort room sa St. Anne Shrine sa Brgy. Poblacion, Barili, Cebu.

Kinilala ang suspek sa alyas Jerome, 2nd year high school student at class president ng isang national high school, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Jessica, ng Lapu-lapu City, Cebu.

Sa imbestigasyon, bibisitahin sana ng biktima ang kanyang kapatid sa naturang lungsod nang nagpasya munang pumunta sa isang palikuran.

Pero pagpasok niya sa loob ng CR na walang kisame, nakita niya ang suspek na may dala ng kahoy.

Dito ay dalawang beses aniya siyang pinukpok ng suspek sa ulo at pinaghahalikan sa maseselang katawan nang maswerteng makatakbo at makahingi ng tulong sa awtoridad.

Una nang nai-report ang suspek sa barangay na tinitirhan nito sa Maghanoy sa kaso naman ng pamboboso.

Kasong attempted rape at frustrated murder ang isasampa laban sa suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply