Hindi makahanap ng trabaho, binata nagpakamatay

KAWALAN ng trabaho ang dahilan umano ng pagpapatiwakal ng isang 29 anyos na lalaki sa pamagitan ng pagbigti sa Sta Mesa, Maynila kagabi.

Hinihinalang may isang oras ng patay ang biktimang si Dennis Chan, binata ng 3530 Ramon Magsaysay Blvd., corner Altura Ext., Sta Mesa, Maynila.

Sa report ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police istrict (MPD)-homicide section, dakong 10:39 ng gabi nang nagbigti ang biktima gamit ang isang puting kumot sa loob ng kanyang kuwarto.

Ayon kay Ruby Chan, 64, ina ng biktima, dakong 9:00 ng gabi ay iniwan nitong mag-isa  ang biktima upang magsimba at bumalik ito dakong 10:15 ng gabi at dumiretso sa loob ng kanyang kuwarto.

Ilang minuto ay naisipan nitong puntahan sa kanyang kuwarto ang kanyang anak subalit bumulaga sa kanya ang wala nang buhay na nakahiga sa sahig.

Sa imbestiagsyon ng pulisya, itinali sa leeg ng biktima gamit ang isang puting kumot.

Inamin ng ina ng biktima na tahimik ang kanyang anak at hindi ito nagkukuwento sa kanyang problema subalit alam nitong matagal na siyang namomoblema dahil hindi ito makahanap ng trabaho at ito ang alam nilang dahilan kung bakit ito nagpakamatay.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Cruz Funeral homes para sa awtopsiya at safekeeping

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply