Hirit ng mga guro: Bayad, taasan; kaligtasan, tiyakin sa halalan

NAIS ng mga guro ng mga pampublikong paaralan na dagdagan ang kanilang bayad sa eleksyon, bawasan ang bilang ng mga botante sa bawat presinto, at seguruhin ang kanilang kaligtasan tuwing eleksyon.

Sa isang pulong kay Comelec Chairman Sixto Brillantes ng Teachers Dignity Coalition (TDC) isang pederasyon ng mga public school teachers association sa buong bansa, ang mga guro ay magseserbisyo na namang muli sa isang taon bilang miyembro ng Board of Election Inspectors.

Ayon kay Benjo Basas, leader ng mga guro, suportado nila ang Automated Election System at nais nilang seguruhin ang karapatan, kapakanan, at kaligtasan ng mga guro na nagsisilbi sa May 2013 elections. Nais nilang taasan ng pamahalaan ang halaga ng honorarium, pagbawas sa mga botante sa bawat presinto, seguridad sa loob at labas ng mga polling precints, legal protection, insurance package at malinaw at legal na pagtatalaga sa mga guro bilang mga BEIs.

Maluwag umano sa mga guro ang magsilbi sa eleksyon bilang kanilang “patriotic duty” subalit mas makapagsisilbi umano ang mga ito kung walang takot, pangamba at diskuntento.

Nais din ng mga guro na makaiwas sa mga poll duty na mataas ang antas ng panganib at karahasan gaya sa ARMM, Sulu, Zamboanga, Abra at iba pang lugar na may tensyon sa pulitika.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply